Monday, December 3, 2018

Arugang Tama, Para sa mga Bata

       Bawat bata ay mahalaga. Bawat nilalang ay may kanya-kanyang ginagampanan sa bawat oras ng ating buhay.

       Mula sa panahong ipinagbubuntis pa ng isang ina ang bata sa kanyang sinapupunan ay nagtataglay na siya ng karapatan.  Kaya mahalaga ang bawat batang isinisilang. Karapatan ng bawat bata na magkaroon ng pangalan at nasyonalidad. Higit sa lahat, ang pagmamahal at wastong pag-aaruga hanggang sa paglaki. Madaling sabihin na mahalaga ang bawat bata pero kadalasan ay may mga mismong magulang ang hindi nakakagawa ng kanilang sariling gampanin sa kanilang mga anak. Kaya laging isinusulong at ipinapalaganap ang lahat ng mga pangaral upang maanyaya at maiparating sa mga magulang at lahat ng kinauukulan ang kahalagan ng pagsasagawa ng tamang pag-aaruga sa bawat bata.

     Ayon sa pag-aaral may iba't ibang karapatan ang bawat batang isinisilang. Pinakauna ay ang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad pagkasilang pa lamang. Mabigyan ng sapat na pangangailangan sa bawat araw tulad ng pagkain, tahanan, kasuotan at tahimik at masayang kapaligiran. Karapatan din ng bawat bata na makapag-aral upang sa ganoon ay malinang ang mga pansariling kakayahan tungo sa buhay na maunlad at magandang kinabukasan. Karapatan din ng bawat bata na maipahayag ang sariling opinyon at makibahagi sa anumang bagay na naglalayon na mapabuti ang kanilang kalagayan,.
     

1 comment:

  1. Tama ka diyan. Madalas nakadepende ang mga bata sa mga taong nagpalaki at nakapaligid sa kaniya.

    ReplyDelete