Filipino, ang pambansang wika ng ating lupang sinilangan na pinalabas ni Quezon noong taong 1937 sa ilalim ng kautusang tagapagpaganap Blg. 134. Ito ang nagpalawig ng koneksiyon ng bawat Pilipino sa isa't isa bagamat pulo-pulo ang ating bansa na nagpahirap sa pagkokonekta ng bawat Pilipino. Ngayon, sa taong kasalukuyan, taong 2018, binuo ang temang "Filipino:Wika ng Saliksik" para sa Buwan ng Wika, buwan ng Agosto na naglalayong palawigin ang paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang aspekto. Ano nga ba ang ibig sabihin ng "Filipino:Wika ng Saliksik"?
Nais ng KWF na gamiting midyum ang Filipino sa paglikha at pagpapalawig ng pambansang karunungan at kaunlaran. Paano nga ba ito? Sa ating simpleng paraan bilang isang Pilipino, ang paggamit ng ating sariling wika ay isang mabisang paraan sa pananaliksik o pagpapalawak ng ating kaalaman sa masusing paraan. Halimbawa na lamang ang pagtuturo ng agham at matematika sa wikang Filipino at marami pang iba. Sa mga simpleng paraan na ito, mapapalawak natin ang ating kaalaman kasabay ng paggamit ng ating wika.
Madalas, sa henerasyong ito ang paggamit ng ibang wika tulad ng Ingles, Hangeul, Nihonggo, Mandarin at iba pa ay napakataas kung ituring ng mga ilang Pilipino lalo na ang mga kabataan. Walang masama sa paggamit ng ibang wika ngunit sa abot ng ating makakaya, gawin natin ang ating mga simpleng paraan tulad ng pagsulat ng tula, awitin ano pa man sa panahong ito gamit ang ating sariling wika. Dahil ang yaman ng Pilipino o isa sa mga yaman ng Pilipinas ay hindi lamang makikita sa mga minera o tanawin kundi pati na rin sa wika nating mga katutubong mga Pilipino.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletetama, tama
ReplyDelete